AMA

Article #3
     AMA
         By: Mia Rosely Crisostomo

Tatlo na letra pero ito ay napakahalaga 
Ito ang unang lalaking aking minahal 
Hindi man lahat ng ama ay mananatili sa ating tabi habang buhay 
Kahit minsan parin sa ating buhay may isang ama na sa atin ay nagmamahal 
Itong tula ay iaalay ko sayo aking ama. 

Hindi man kita nakasama, umaasa parin ako na ikaw ay aking makakasama 
Ama sana’y malaman mo na ako sayo’y naghihintay 
At pilit nilalabanan ang lumbay ng pagkawalay 
Ama kung alam mo lang kung gaano kita ipagdasal
Na sana maranasan ko man lang ang may Ama sa tabi. 

Na sana maranasan ko man lang mayakap ka 
Sa bawat pasko, gradwesyon ko at lalo na sa kaarawan ko
Pero hindi eh, lahat ng sana ko hindi ko man lang naranasan 
Ama sana nasilayan mo manlang yong panahong  laging top sa klase 
Alam kung proud ka noon, hindi mo man masabi. 


Hindi ko man lang naranasan na magsimba twing linggo na kasama ka 
Hindi ko man lang naramdaman ang magkaroon ng ama 
Hindi ko man lang nasubukan mamasyal kasama ka 
Hindi man lang kita makasama twing sasapit ang kaarawan ko 
At lalong hindi ko man lang narinig ang salitang“Anak mag-iingat ka mahal na mahal kita” 

Sa twing nakakakita ako ng buo ang pamilya 
Pilit kung nilalabanan ang salitang “INGGIT” 
Sa twing nakakasalubong ako ng mag ama 
Pilit kung inuunawa ang lahat 
Dahil hindi ako napapagod na umasa, na balang araw ay makakasama kita. 

Ama naaalala mo pa ba kaya ako? 
Ama nandito ako hinihinray ka, hinihintay ang iyong pagbabalik 
Ama nandito ako hinihintay ka na makasama ka sa gradwesyon ko 
Ama nandito ako patuloy na nangungunila sa iyong pagbalik 
Ama nandito ako hinihintay kang matuwa sa aking mga tagumpay 

Sana bumalik kana, ngayon kasi ako’y nangungunila 
Kailangan ko ng lakas galing sayo ama
Ngayong pumapatak ang aking mga luha 
Kailangan ko ng isang ama na pupunas sa aking mga luha 
Ngayon ako’y nasasaktan, kailangan ko ng ama para kuhanan ng lakas para sa aking laban.

(Credit to the owner)

Comments

Popular Posts